Among Ed at Oscar Cruz
MASAKIT ang malaman mong nagsalu-salo ang mga kaibigan mo at hindi ka inimbitahan. Mas masakit pang malaman na nagpamudmod ng mga regalo ang nagpa-party! Parang may gustong sabihin sa iyo di ba? Maliban na lang kung manhid ka! Pero tiyak na hindi manhid si Mayor Muslimin Sema ng
Ayon naman kay Pampanga Gov. Ed Panlilio, inamin niya na nakatanggap nga siya ng kalahating milyon, sa umano’y tauhan ng Palasyo. Hindi naman suhol ang tingin niya sa perang ibinigay sa kanya kundi tulong para sa proyekto ng kanyang probinsiya. Ang mahalaga ay inamin niya at isiniwalat na may pera nga siyang natanggap, at hindi niya isasauli ito, dahil para sa Pampanga ito. Hmmm. May mga natuwa, sa ginawa ng paring naging gobernador, may nagsasabi naman na kailangan niyang ibalik ito dahil kahit ano pa ang gawing pangangatwiran, may “kasamang tali” ang perang ito. Kayo ang humusga. Normal naman daw humingi ang kongresista at gobernador ng mga proyekto sa Malacañang, para sa kani-kanilang mga balwarte. Normal nga, ang hindi normal ay ang pagbibigay ng salapi direkta sa mga kongresista at gobernador. May tamang proseso para sa pagbibigay ng pondo para sa mga proyekto, at hindi yung nakalagay lang sa supot!
At ngayon, iimbestigahan na rin ang mga pagbibigay ng mga perang ito ng Kongreso. Walang katapusang imbestigasyon, gastos at gamit ng oras para sa mga pangyayaring ito. Mistulang delubyo ng anomalya ang nangyayari sa ating bansa, na nagsimula sa ZTE/NBN. At ayon nga kay Arsobispo Oscar Cruz ng Lingayen-Dagupan, ang paggamit ng pera para sa mga proyekto ng lalawigan ay hindi pagbibigay-katarungan sa pagtanggap ng pera mula sa administrasyon. Kataka-taka nga naman talaga ang pamamaraan ng pagbigay ng perang ito, kung pamproyekto nga ng mga kongresista at gobernador. At hindi pa maliwanag kung saan nanggaling ang mga salaping ito, na itinatanggi na yata ng lahat ng kagawaran at kalihim ng administrasyon.
- Latest