Nang-rape ng pamangkin
August 4, 2005 | 12:00am
SI Vicente, 67, ay napatunayan ng mababang hukuman na nagkasala ng panggagahasa sa pamangking si Ellen, 12. Ang pagkakasala niya ay batay na rin sa positibong testimonya at pagturo sa kanya ni Ellen bilang rapist. At dahil nabuntis niya si Ellen inutusan din siya ng hukom na suportahan ang naging anak na si Leah.
Sa otomatikong pagsusuri ng Korte Suprema ng desisyon ng mababang hukuman, kauna-unahang hiniling ni Vicente na magsagawa ng blood type test na tinatawag na DNA upang malaman ang tunay na paternidad ng batang si Leah. Hindi raw niya nahiling ito sa mababang hukuman dahil hindi pa raw alam ng abogado niya ang DNA test. Ngunit sa kabila ng nasabing kahilingan pinagtibay pa rin ng Korte ang desisyon ng mababang hukuman dahil positibo siyang itinuro ni Ellen na gumahasa sa kanya.
Pagkaraan ng tatlong taon, nag-file ang anak ni Vicente na si Vic ng petisyon for habeas corpus upang pakawalan si Vicente. Nilakip niya sa petisyon ang DNA test analysis na tiyak na nagpapatunay na hindi siya ang ama ni Leah. Hiniling din ni Vic na magkaroon ng panibagong paglilitis ng kaso ni Vicente. Maigagawad kaya ang kahilingang ito?
HINDI. Ang isyu tungkol sa paternidad ni Leah ay hindi nakasalalay sa isyu ng pagkakasala o walang pagkakasala ni Vicente ng panggagahasa. Ang paggahasa kay Ellen ay ganap na iba at bukod tanging kuwestiyon kaysa sa kuwestiyon kung sino ang ama ng bata. Ang pagbubuntis at panganganak ni Ellen ay walang kaugnayan sa pagtitiyak kung siya nga ay na-rape. Hindi naman mahalagang sangkap ng krimeng rape ang pagbubuntis ng biktima. Sino man ang ama ng bata ay hindi mahalaga sa pagtiyak ng pagkakasala o kawalang sala ng isang tao. Sa kasong ito, kahit na hindi si Vicente ang tatay ni Leah, ang pagkakasala niya ay mananatili pa rin batay sa positibong testimonya at pagkilala sa kanya ni Ellen.
Hindi maigagawad ang habeas corpus dahil hindi naman ilegal ang pagkakulong kay Vicente. Siya ay nakulong dahil sa desisyon ng hukuman. Huli na rin ang kahilingan niya ng panibagong paglilitis. Dapat ginawa niya ito sa loob ng 15 araw mula nang ipahayag ang hatol. Dito sa kaso, tatlong taon na ang lumipas (De Villa vs. New Bilibid Director G.R. 158802, November 17, 2004).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended