Malaki ang sira ng kaliwang bahagi ng kotse samantalang sina Vic at Mon ay lubhang nasugatan. Si Vic ay na-comatose at namatay din makalipas ang limang araw samantalang si Mon ay nabuhay ngunit nabulag ang kaliwang mata.
Sanhi nito ay nagsampa ng reklamo ang mga magulang ni Mon at Vic laban sa kompanya ng bus para sa bayad-pinsala. Samantala ay nagsampa naman ng kontra-demanda ang bus laban sa ina ni Vic, ang nakarehistrong may-ari ng sasakyan. Ayon sa kompanya ng bus, si Vic ang may kasalanan. Batay kasi sa nakuhang retrato ng inspektor ng bus isang oras at labinlimang minuto matapos ang aksidente, malinaw na wala sa tamang bahagi ng highway ang kotse nina Vic. Depensa naman ni Mon na ang bus ang kumuha ng kanilang linya kaya nangyari ang banggaan. Gayunpaman, pinaboran ng Korte ang mga retrato kaysa testimonya ni Mon. Kaya, dinismis nito ang dalawang kasong naisampa laban sa kumpanya ng bus. Tama ba ang Korte?
TAMA. Ang retrato ay malinaw na nagpakita ng ebidensya sa nangyaring aksidente. Ipinakita nito ang mga posisyon ng bus at ng kotse kung saan napatunayan ang nagkamaling sasakyan. Naging taliwas man ang testimonya ng testigo sa ebidensya ng litrato, binigyan pa rin ng Korte nang mas mabigat na timbang ang mga retrato dahil ipinakita nito ang totoong nangyari (Jose et. Al. vs. Court of Appeals G.R. No. 118441-41 January 18, 2000)