^

PSN Opinyon

Nakasagasa ng babaing buntis

IKAW ANG BATAS - Jose C. Sison -
MADALAS mag-eksperimento si Edgardo ng mga dadaanan niya pauwi para makaiwas sa matinding trapik. Ganoon pa man, gabi na rin siyang nakakauwi ng bahay.

Isang gabing pauwi, napadaan siya sa isang makipot at madilim na kalsada. At dahil nagmamadaling makauwi ng bahay, nabundol niya ang isang babaing naglalakad. Malakas ang pagkakabundol sa babae kaya humagis ito nang may limang metro. Dinala ni Edgardo ang babae sa ospital subalit namatay din ito.

Nalaman ni Edgardo na buntis ang babaing nabundol niya at nalaglag ang dinadala nito. May pananagutan ba si Edgardo sa pagkamatay ng fetus at sa pagkamatay ng babae?

Mayroon.
Kahit na ang karahasang dinanas ng buntis na babae ay hindi sinasadya o kaya’y ang pagkakalaglag ng bata sa sinapupunan ay hindi ginusto ni Edgardo dahil hindi naman niya alam na buntis ang babae, siya pa rin ay mananagot sa batas. Dahil sa kanyang kapabayaan, nahatulan si Edgardo ng homicide with abortion thru reckless imprudence (People vs. Ang Eng 64 Phil 1057).

vuukle comment

ANG ENG

DAHIL

DINALA

EDGARDO

GANOON

ISANG

KAHIT

MALAKAS

MAYROON

NALAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with