^

PSN Opinyon

Banggaan ng 2 sasakyan

IKAW ANG BATAS - Jose C. Sison -
KASO ito ng mag-amang Milo at Jun. Si Milo ang may-ari ng isang pampasaherong jeepney. Empleyado bilang driver ang kanyang anak na si Jun. Isang alas-singko ng madaling araw, nagmamaneho si Jun kasama ang ilan niyang pasahero sa national highway. Sa unahan niya ay may kalayuan lamang ng 20 piye ay isang Ford Fiera. Nang papalapit na sa isang kurbang daanan, bumagal ang Ford Fiera. Nang papalapit na sa isang kurbang daanan, bumagal ang Ford Fiera para tumigil sa kanang linya. Sa sitwasyong ito, binalak ni Jun na mag-overtake sa Fiera. Bago pa man ay tiningnan muna niya ang kabilang direksyon ng highway para malaman kung me sasakyan sa kaliwang daanan. Napansin niya na may paparating na isang press delivery na may layo ng 100 piye. Matapos isaalang-alang ang layo ng van at ang bilis ng takbo nito, kahit na medyo madilim pa ng oras na iyon, nag-overtake siya sa Fiera. Subalit, nagkaroon pa rin ng banggaan.

Ang banggaan ay nagresulta sa pagkamatay ng pasaherong si Dolfo. Si Amy biyuda ni Dolfo ay nagsampa ng reklamong bayad-pinsala laban kay Milo at Jun bilang may-ari at driver ng jeepney. Kasama rin niyang sinampahan ng reklamo ang may-ari at driver ng press delivery van.

Itinanggi nina Milo at Jun ang kanilang pananagutan dahil ang press delivery van daw ang pinagsimulan ng banggaan dahil binangga ng kaliwang bahagi ng van ang huling kaliwang bahagi ng jeepney. Tama ba sila?

Mali.


Ang banggaan ay dahil sa kapabayaan ni Jun na umaming nag-overtake siya nang huminto ang Fiera sa kurba at nakita rin niya ang pagdating ng press delivery van sa kabilangn direksiyon. Ito ay isang malinaw na paglabag sa Land Transportation and Traffic Code. Ayon dito, bago mag-overtake ang isang driver, kailangan niyang alamin na walang hadlang sa kanyang dadaanan at magagawa niya ito ng ligtas. Lalo pa sa isang papalapit na kurbang daanan, kailangan na manatili sa kanang daanan kahit na may sapat na panahong makakabalik dito kapag nag-overtake (Section 41 (a)(b) RA 4136).

Ang kapabayaan ni Jun ay magbibigkis kay Milo dahil siya ang may-ari ng jeepney na isang sasakyang pampubliko. Nararapat na ihatid ng isang sasakyang pampubliko ang mga pasahero nang matiwasay hanggang sa makakayang ingat at pananaw ng tao, na ginagamit ang pagsasaalang-alang ng lahat (Art. 1755, Kodigo Sibil). At kung namatay o masugatan ang mga pasahero, ang sasakyang pampubliko ay ipalalagay na nagkasala, o naging pabaya, maliban kung kanilang mapatunayan na gumawa sila ng di-karaniwang pag-iingat (Art.1756, Kodigo Sibil). Sina Milo at Jun ay magbabayad ng bayad-pinsala kay Amy kasama na ang loss of earning capacity at attorney’s fees (Mallari Sr. et. al. vs. CA et. al. G.R. No. 128607, January 31, 2000).

DOLFO

FIERA

FORD FIERA

ISANG

JUN

KODIGO SIBIL

LAND TRANSPORTATION AND TRAFFIC CODE

MALLARI SR.

NANG

SI AMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with