^

Metro

Miyembro ng ‘Luffy’ kalaboso

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iniulat ng Bureau of Immigration (BI) ang pag-aresto sa isa pang Japanese national na pinaniniwalaang miyembro ng kilalang “Luffy” gang, na nauugnay sa pagnanakaw, pandaraya, pangingikil, at marahas na krimen sa Japan.

Sinabi ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado na inaresto ang fugitive search unit (FSU) ng BI noong Martes, ang 23-anyos na si Takuya Hoshino sa loob ng kanyang tirahan sa kahabaan ng Casimiro Avenue, Bernice Subd., Las Piñas City.

Ayon kay Viado, ang pag-aresto kay Hoshino na pinakabagong miyembro ng gang na “Luffy” ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang kontrol sa hangganan at sug­puin ang mga transnational na krimen.

Nakakulong si Hoshino sa pasilidad ng BI warden sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang nakabinbin ang pagpapatupad ng deportation order na inilabas ng board of commissioners ng bureau laban sa kanya noong 2022 dahil sa pagiging undesirable alien.

Nabatid kay BI-FSU chief Rendel Ryan Sy, si Hoshino ay may outstanding arrest warrant na inisyu ng Tokyo Summary Court noong Set­yembre 15, 2022 matapos siyang kasuhan ng pagnanakaw na paglabag sa Japanese penal code.

GANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with