20 vloggers ng ‘fake news’ bantay-sarado ng NBI

National Bureau of Investigation
PNA / File photo

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Natio­nal Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago na nasa 20 vloggers na nagkakalat umano ng fake news sa social media ang bantay-sarado sa National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay Santiago, kabilang dito ang isang vlogger na nakabase sa Estados Unidos na may dalawa nang warrant of arrest.

Paliwanag ni Santiago, may limitasyon lamang ang iginiit ng iba na mayroon namang freedom of speech at freedom of expression at hindi pwedeng sabihin na biru-biro lang.

Maaaring maharap ang vlogger sa cyberlibel at inciting sedition dahil sa pag-uudyok sa mga mamamayan gamit ang kanilang content.

Sinusuri na rin ng NBI ang mga posibleng kaso laban sa mga indibidwal.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang Malacañang sa Natio­nal Telecommunications Commission at Department of Information and Communications Technology para parusahan ang mga nagkakalat ng pekeng balita, lalo na kung may kinalaman sa pulitiko.

Show comments