PNP naka-heightened alert

Members of the Manila Police District (MPD) prepare for deployment at their headquarters in Ermita, Manila on January 3, 2025.
STAR/ Ryan Baldemor

Sa pag-aresto kay Duterte

MANILA, Philippines — Naka-heightened alert ang Philippine National Police (PNP) sa buong bansa matapos ang pag-aresto nitong Martes kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC).

Ayon sa PNP, paghahanda lamang ito sa posibleng gulo sa pagitan ng pamahalaan at mga taga-suporta ni Duterte.

Magugunitang nagtipon-tipon ang mga supporters ni Duterte sa Villamor Airbase sa Pasay City matapos ang pagkaaresto sa dating pangulo.

Samantala, tiniyak naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang namumuong destabilisasyon sa kanilang hanay matapos naman ang pagsisilbi ng warrant of arrest ng Interpol.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, espekulasyon lamang ang kumakalat na may maglulunsad ng military action o pag-aaklas at wala aniya itong basehan.

Sa kasalukuyan aniya, matatag ang seguridad ng bansa at aktibo sa pagmomonitor sa kaganapan ang AFP na nakahandang magresponde sa anumang banta sa peace and order.

Show comments