Libreng HPV vaccine, aarangkada uli sa Quezon City

Sa patnubay ni QC Mayor Joy Belmonte, pinangunahan ni QC Councilor Charm Ferrer ang bakunahan para sa mga taga-Distrito Uno sa Barangay Bahay Toro Health Center.
AFP / Siphiwe Sibeko / Pool

MANILA, Philippines — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Cervical Cancer Awareness Month, magkakaroon muli ng bakunahan ang QC LGU para sa 2nd dose ng Libreng HPV Vaccine sa lungsod.

Sa patnubay ni QC Mayor Joy Belmonte, pinangunahan ni QC Councilor Charm Ferrer ang bakunahan para sa mga taga-Distrito Uno sa Barangay Bahay Toro Health Center.

Sinabi ni Ferrer na ito na ang tamang pagkakataon na makumpleto ng mga nakatanggap ng unang dose ang kanilang HPV vaccine.

Aniya isa itong mahalagang hakbang para makamtan ang matibay at kumpletong proteksyon laban sa mga sakit na dulot ng Human Papillomavirus (HPV), kabilang na ang mga uri ng kanser.

Pinayo rin nito sa mga QCitizen sa District 1 na dalhin ang kanilang vaccine card para sa mabilis na proseso ng pagpapabakuna.

Noong nagdaang taon, ang HPV vaccine ay libre ring naibigay sa mga mag-aaral sa iba’t ibang public schools sa QC.

Show comments