^

Metro

Caloocan LGU hinirang na No.1 sa Disaster Response sa buong bansa

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinilala ng Office of Civil Defense-National Disaster Risk Reduction and Management Council (OCD-NDRRMC) sa lungsod ng Caloocan bilang Best Highly-Urbanized City sa buong bansa para sa Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) and Humanitarian Assistance programs.

Mismong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nagparangal ng Gawad Kalasag Seal kay Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan para sa mga DRRM programs na ipinatupad nito na humigit pa sa internasyunal na batayan at sa pagsiguro ng kahandaan laban sa mga sakuna sa lahat ng antas ng lipunan, lalong-lalo na sa pagtatayo nito ng mga Alert and Monitoring Station sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod kasama pa ang tuloy-tuloy na pagseserbisyo ng sarili nitong emergency hotline, 888-ALONG.

Ayon naman kay Malapitan, ang parangal katuparan ng kanyang layunin na maging isa sa mga nangungunang local government unit pagdating sa DRRM, isa rin itong inspirasyon na patuloy na paunlarin ang mga pasilidad, ka­gamitan, at polisiya ng pamahalaang lungsod.

“Natatandaan ko na noong aking unang isang daang araw, sinabi ko na pangarap ko na maging isa tayo sa mga nangungunang Disaster Risk Reduction Management Office sa Pilipinas. Ngayong nagkaroon na ito ng katuparan, isang hamon po ito sa buong pamahalaang lungsod kung paano pa mas palalakasin at palalawakin ang ating mga programa,” ani Malapitan.

Binati naman ng alkalde ang CDRRMD at tiniyak na ang lahat ng mga kagawaran ng pamahalaang lungsod ay patuloy na magtutulungan upang panga­lagaan ang publiko sa panahon ng kalamidad at iba pang emergency.

Matatandaang tatlong sunod na Gawad Kalasag Award para sa regional level na ang natanggap ng pamahalaang lungsod sa ilalim ng pamumuno ni Malapitan.

NDRRMC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with