Pagchop-chop sa pulis, planado
MANILA, Philippines — Planado ang pagpatay sa pulis kung saan tsinap-chop ang katawan nito na isinako at ibinaon sa Baguio City.
Ito naman ang paniniwala ng pamilya ng pinaslang na pulis na si Police Executive Master Sergeant Emmanuel B. De Asis, 55, matapos na matagpuan ang bangkay nito na nakasako nitong Biyernes kung saan nadakip din ang mga kapwa pulis na suspek sa karumal dumal na krimen.
Sa pahayag ng pamilya De Asis sa pamamagitan ng Peter Parker account sa Facebook page, hindi sila kumbinsido na pinatay ang biktima dahil sa “crime of passion” matapos maaktuhan diumano ng suspek na kabaro sa “very intimate”.
Suspek sa krimen ang isang “Lt Col” at misis nito na “PEMS” umano’y karelasyon ni De Asis.
Ayon sa post, kasinungalingan ang extrajudicial confession ng mga suspek dahil pinagplanuhan umano ang pagpatay kung saan nagsimula sa pagdukot sa pulis (De Asis).
Binigyan diin pa ng pamilya De Asis na nasa 10 hanggang 20 katao ang sangkot sa pamamaslang sa pulis at nagawa pang ibiyahe sa Baguio City noong Nobyembre 28, 2024.
“For clarity, it was a set up that started by a forcible abduction, and merciless tortures that resulted to the tragic death of my father. It was planned and prepared since March 2024 up to present, to kill my father once he visit Manila perpetrated by these two demonic individuals…” ayon sa post.
Ipinakita rin ng pamilya ni De Asis sa nasabing post ang kanilang galit kasabay ng pahayag na hindi sila titigil at gagawin ang lahat ng kanilang kakayahan upang matukoy ang iba pang sangkot at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng pulis.
“To their cohorts, your days are numbered. Just like my personal perseverance to locate this two demonic individuals for only 48 hours. We will seek justice in the bounds of the law. I will use all my trainings and skills as qualified special forces operator to hunt all of you. My whole family will not stop on this until you are all inside prison cell,’ saad pa sa post.
Samantala, sinabi naman ni PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo na kapwa sinampahan na ng kasong murder ang mag-asawang pulis sa Taguig RTC.
“There’s definitely murder in this case -- do’n sa pagpatay and then another is ‘yong mutilation and possibly ‘yong tangkang pagtago,” saad ni Fajardo.
Itinuturing ang babae na sangkot sa krimen dahil nasa lugar siya nang patayin at pagpuputulin ang katawan ng biktimang si De Asis ng Puerto Princesa Provincial Police Office.
- Latest