^

Metro

22 sasakyan nagkarambola sa Quezon City flyover: 4 patay, 26 sugatan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
22 sasakyan nagkarambola sa Quezon City flyover: 4 patay, 26 sugatan
Makalipas ang 12 oras, nadakip naman ang suspek at driver ng truck na si Richard Mangupag, 45 sa kanyang bahay sa Brgy. UP Village, QC.
STAR / File

MANILA, Philippines — Apat katao ang kumpirmadong patay habang 26 naman ang sugatan makaraang araruhin ng truck at magresulta sa karambola ng mga sasakyan kamakalawa ng gabi sa Katipunan Fly-over sa Quezon City.

Makalipas ang 12 oras, nadakip naman ang suspek at driver ng truck na si Richard Mangupag, 45 sa kanyang bahay sa Brgy. UP Village, QC.

Batay sa imbestigasyon ng Quezon City Police District District Traffic Enforcement Unit Traffic Sector 3, nangyari ang aksidente bandang alas 6:55 ng gabi sa Katipunan Avenue/Aurora Fly-over.

Galing Col. Bonny Serrano si Mangupag patungo ng C.P. Garcia Avenue nang mawalan umano ng preno ang minamaneho nitong wingvan na may plakang RJK 719 habang pababa ng flyover.

Bunsod nito, inararo ng truck ang nasa 16 na mga motorsiklo at limang  kotse sa kanyang unahan at nagresulta sa karambola.

Ayon sa pahinante, bigla na lamang silang nakarinig ng  pagsabog hanggang sa mabangga ang mga biktima.

Dahil sa takot, tumakas ang driver ng truck.

Iniimbestigahan din ng pulisya ang report na nakikipagkarerahan ang driver sa ibang truck hanggang sa hindi na makontrol ang pakanan at natumbok na ang mga sasakyan.

Sa follow up operation natunton ang suspek sa kanyang bahay sa UP village.

Nakapiit na ngayon ang suspek sa traffic sector 3 at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple damage to pro­perty with multiple physical injuries at multiple homicide.

TRAFFIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with