Quezon City LGU at NACC tulong sa domestic administrative adoption, foster care

Undated photo release shows the exterior of the Quezon City Hall.
QC Government / Released

MANILA, Philippines — Lumagda sa isang memorandum of agreement (MOA) ang Quezon City government at ang  National Authority of Child Care (NACC) sa pamamagitan ng Alternative Child Care Office - National Capital Region (RACCO-NCR) para sa implementasyon ng Domestic Administrative Adoption at Foster Care Program.

Mismong sina QC Mayor Joy Belmonte at NACC Undersecretary Janella Ejercito Estrada  ang nanguna  at ibinigay ang kanilang  commitment sa programa para sa mga kabataan at ang  adoption at foster care sa mga pamilya  sa QC.

Ang QC ang unang LGU  sa bansa na lu­magda ng partnership agreement para sa pagpapatupad ng NACC’s domestic administrative adoption and foster care program.

Sa ilalim ng kasunduan, ang adoption at alternative child care ay mabilis nang maipoproseso para sa mga  prospective adoptive parents  sa pamamagitan ng QC LGU.

Hiniling ni Estrada sa QC LGU at sa child welfare sector na isentro rin ang paghahanda  sa mga kabataan na maaabot ang edad na maaari na nitong mamuhay sa sarili sa pama­magitan ng NACC’s KAYA Ko: Kaalaman. Abilidad, Yamang Angkin Ko! Program.

Ang okasyon ay dinaluhan din nina Vice-Mayor Gian Sotto at NACC Assistant Secretary Rowena Macalintal  gayundin ni  NACC RACCO - NCR Officer-In-Charge Danilo Gatmaitan at mga tauhan.Una nang nagsagawa ng National Congress on Adoption and Alternative Child Care sa apat na  clustered regions sa Mindanao, Visayas, South Luzon ,NCR, North at  Central Luzon para makalikha ng mas malakas na partnership sa mga LGUs at  local social welfare and development offices para sa pagpapatupad ng domestic administrative adoption at alternative child care programs ng  NACC.

Show comments