Mass housing project sa Las Piñas, sisimulan na

MANILA, Philippines — Sinimulan na ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas ang mass housing project para sa  161 informal settler fmilies (ISFs)  sa t Green ­Archers Compound, Barangay Pulanglupa Uno.

Nabatid na pinangunahan  nina Vice Mayor April Aguilar at councilor Mark Anthony Santos  ang  groundbreaking ce­remony para sa konstruksiyon ng karagdagang dalawang  housing units para sa iba pang bahagi ng   local government project.

Una nang naisagawa ang proyekto sa ilalim ng noo’y  alkalde na si Mayor Vergel Aguilar  sa tulong ng  National Housing Authority, Social Housing Finance Corp. (SHFC),  at ng Local Housing Development Office ng lungsod..

Taong 2022 nang mabigyan ng pabahay ang nasa 41 ISFs  sa unang bahagi ng proyekto sa sa nasabing compound. A total of 202 beneficia­ries ang nagbabayad ng  kanilang monthly amortization sa NHA.

Lumilitaw na ang  bawat housing unit ay may sukat na  24 square meters.

Dagdag pa ni Santos, ang  mga benepisyaryo ng pabahay ay mga public school teachers, government employees, tricycle drivers, at market vendors.

Binigyan diin ni Santos  na naisakatuparan ang proyekto matapos ang pakikipag-ugnayan at pakikipag-usap ng konseho sa mga may-ari ng  lupa sa ilalim ng community mortgage program (CMP) ng pamahalaan.

Hinihiling din ni Santos kay  Mayor Imelda Aguilar na pirmahan na ang  memorandum of understanding  sa  Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) para sa  “Pambansang Pabahay para sa Pamilyang Pilipino (4PH)” program.

Layon ng  4PH program  na mabigyan ng maayos at murang pabahay ang mga residente.

Show comments