MANILA, Philippines — May konting paggaan ang bulsa ng mga motorista ngayong martes na ang sasakyan ay gumagamit ng petrolyo.
Ito ay dahil epektibo ngayong Martes November 19 ay magpapatupad ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis.
Batay sa abiso ng Seaoil, Petro Gazz, CleanFuel at Pilipinas Shell, aabutin ng 75 centavos kada litro ang bawas presyo nila sa diesel habang 85 centavos kada litro ang bawas presyo sa gasolina at 90 centavos kada litro ang bawas presyo nila sa kerosene.
Sinasabing ang bawas presyo sa mga produktong petrolyo ay dulot ng paghina ng demand demand forecasts ng Organization of the Petroleum Exporting Countries at allies tulad ng Russia.