PNP heightened alert vs Bagyong Ofel, Pepito

Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather specialists monitor typhoon #NikaPH’s track and two other weather disturbances just outside the Philippine Area of Responsibility (PAR) during a weather update at PAGASA main office in Quezon City on November 11, 2024.

MANILA, Philippines — Inalerto na ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng Regional Office nito sa buong bansa laban sa epektong dulot ng paparating na mga bagyong Ofel at Pepito.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PBGen. Jean Fajardo, simula alas-8 ng umaga kahapon ay inilagay na sa heightened alert status ang lahat ng Police Regional Office sa bansa.

Bunsod ito ng direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng Police Regional Office na makipag-ugnayan sa kanilang Lokal na Pamahalaan at Local Disaster Risk Reduction and Management Offices.

Sinabi ni  Fajardo na  pinagana na nila ang Reactionary Standby Support Force (RSSF) mula sa National Headquarters sa Kampo Crame na gagamiting dagdag pu­wersa sa mga maaapektuhang lalawigan.

Hindi na kailangan pang hintayin na may madisgrasya bago rumesponde.

Naka-full alert pa rin ang Police Regional Office 2 na una nang hinagupit ng bagyong Nika.

Tiniyak ng PNP na hindi sila titigil sa kanilang hanay sa pagtugon sa kalamidad kasabay ng pagtupad sa mandatong panatilihin ang kapayapaan at katahimikan ng mga komunidad.

Dagdag pa ni Fajardo, pagtutulungan at koordinasyon lamang ang kailangan upang maiwasang madisgrasya ang publiko sa panahon ng kalamidad.

Show comments