^

Metro

DOH: Full capacity ng 2 ospital sa Maynila, ‘di dulot ng espesipikong karamdaman

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ng Department of Health (DOH) na ang pagiging full capacity ng dalawang pagamutan sa lungsod ng Maynila ay hindi dulot ng ispesipikong karamdaman.

Ang paglilinaw ay ginawa ni DOH Spokesperson at Assistant Secretary Albert Domingo matapos ianunsiyo ng Manila City government nitong weekend na ang Ospital ng Maynila Medical Center at Gat Andres Bonifacio Medical Center ay nag-o-operate na ng full capacity o limitadong espasyo.

Pinayuhan ng dalawang ospital ang mga pas­yente na ikonsidera ang pagpunta sa ibang public hospitals dahil sa puno na sila ng pasyente, para agarang mabigyan ng kinakailangang atensiyong medikal.

“The two hospitals have not reported any specific disease or incident that may be causing their full capacity,” diin naman ni Domingo.

Tiniyak din niya na nakikipag-ugnayan na sila sa lokal na pamahalaan ng Maynila at sa pamunuan ng dalawang pagamutan hinggil dito.

Una nang tiniyak ni Manila Mayor Honey Lacuna na wala silang tinatanggihang pasyente na pupunta sa kanilang mga pagamutan.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with