^

Metro

Dalagita umawat sa gulo,1pa utas sa saksak sa Tondo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Dalagita umawat sa gulo,1pa utas sa saksak sa Tondo
Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center ang biktimang si alyas ‘Cezar,’ 21, ng Dayao St., Tondo, habang nasawi naman habang inooperahan ang 16-anyos na dalagitang si alyas ‘Josie,’ ng Maliklik St., Tondo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 16-anyos na dalagita na umaawat lang sa gulo at isa pang lalaki nang pagsasaksakin ng isang nakaalitang lalaki sa Tondo, Manila ka­makalawa.

Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center ang biktimang si alyas ‘Cezar,’ 21, ng Dayao St., Tondo, habang nasawi naman habang inooperahan ang 16-anyos na dalagitang si alyas ‘Josie,’ ng Maliklik St., Tondo.

Sugatan naman ang dalawa pang lalaki na ang isa ay nakilalang si alyas ‘Lito,’ 22, ng Infanta St., Tondo.

Samantala, agad ring arestado at mahaharap sa kasong pagpatay at tangkang pagpatay ang suspek na si alyas “Ike”.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, ala-1:00 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa Infanta St. sa Tondo matapos na dumalo sa isang birthday party ang mga biktima at ang suspek.

Ayon kay MPD Homicide chief, PCapt. Dennis Turla, dumating sa kasayahan ang suspek, na nakainom na, kahit hindi imbitado, at sumali sa inuman ng mga bisita.

Nauwi ang insidente sa pag-aaway ng isa sa mga biktima at ng suspek, nang bastusin umano ng suspek ang kanyang kasintahan at ilan pang babaeng bisita roon. Nang maawat ang away, umuwi na umano ang mga biktima ngunit sinundan sila ng suspek, lulan ng isang motorsiklo.

Sa kuha ng CCTV, makikitang bumaba ang suspek ng motorsiklo at kinumpronta ang isa sa mga biktima hanggang sa mauwi ang insidente sa pananaksak.

Dito na umano napatakbo ang dalagita at tangkang umawat lamang sa gulo. Gayunman, nanghalihaw pa umano ang suspek ng saksak, gamit ang isang balisong, sanhi upang masaksak din ang dalagita at dalawang iba pa.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with