PCG, naka-heightened alert sa Undas

Families repaint and visit the tombs of their departed loved ones at the Valenzuela Public Cemetery in Karuhatan, Valenzuela City on October 20, 2024 weeks ahead of All Souls' Day to avoid the influx of visitors.
Miguel De Guzman/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Naka-heightened alert ang pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa buong bansa ngayong panahon ng Undas.

Alinsunod sa kautusan ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gavan, sisimulan ang pagtataas ng alerto ng lahat ng operating units ng PCG, sa Oktubre 31 at magtatagal hanggang sa Nobyembre 3, 2024.

“PCG Districts, Stations, and Sub-Stations shall intensify the safety, security, reliability, and comfort of the riding public amid Undas 2024,” abiso ng PCG.

Nakatakda rin umanong maglagay ang Department of Transportation (DOTr) ng mga Malasakit Help Desks sa lahat ng pantalan, harbor, at iba pang public transport areas sa buong bansa upang magbigay ng kakailanganing tulong ng publiko.

Mayroon din umano silang mga nakaantabay na mga medical teams na handang tumugon sa panahon ng emergency at magsasagawa ng re­gular na pag-iinspeksiyon sa mga pantalan ang mga K9 units.

May mga nakaistasyon din silang mga PCG rescuers at lifeguards sa mga ­bea­ches, island resorts, at iba pang coastal vacation spots para sa seguridad at kaligtasan ng publiko na maaa­ring magtungo sa mga naturang lugar ngayong Undas.

Show comments