Motor rider binoga sa Quezon City todas

MANILA, Philippines — Isang 30-anyos na lalaki ang patay nang pagbabarilin ng isang hindi pa nakikilalang gunman habang sakay ng motorsiklo pag-uwi sa tapat ng kanilang tahanan sa Quezon City nitong Linggo ng gabi.

Dead-on-the-spot si Gerald Flores Batangan, residente ng Ibabaw ng Tulay, Quirino Hi-way, Barangay Balon Bato, Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU- QCPD), bandang 8:15 ng gabi nang maganap ang insidente. 

Sa imbestigasyon ni PStaff Sgt. Angel Pascasio III, nakarinig ng putok ng baril ang saksing si alias “Lorna” at nang kanyang puntahan ay nakita niyang duguan nang nakabulagta ang biktima. Naglakad lamang ng kaswal sa pagtakas ang suspek na inilarawan na nakasuot asul na t-shirt at puting short pants.

Sa pagsisiyasat ng SOCO team ng QCPD sa pangunguna ni PLt. Darrel Ebol, nagtamo ng mga tama ng bala sa leeg ang biktima.

Show comments