Rehistro ng E-Bike sinuspinde ng LTO

Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza ay batay sa kautusan ng Department of Tranportation (Dotr) na suspendihin muna ang Administrative Order 2021-039 na nagsasaad na ang mga hindi rehistradong electric vehicles na duma­raan sa mga pampublikong kalsada ay dapat ma-impound.

MANILA, Philippines — Sinuspendi ng Land Tranporation Office (LTO)ang pagpaparehistro ng mga electric tricycles at e-bikes sa bansa hanggat hindi nakatitiyak na ligtas itong gamitin sa lansangan.

Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza ay batay sa kautusan ng Department of Tranportation (Dotr) na suspendihin muna ang Administrative Order 2021-039 na nagsasaad na ang mga hindi rehistradong electric vehicles na duma­raan sa mga pampublikong kalsada ay dapat ma-impound.

Kailangan din munang maipakita na ligtas itong gamitin sa mga lansangan.

Sinasabing dapat munang matiyak ng LTO na ang naturang administrative order ay hindi sumasalungat sa Electric Vehicle Industry Development Act.

Magugunitang noong Abril 15 ay pinagbawalan ang mga electric vehicles na dumaan sa mga pa­ngunahing kalsada.

Pinayuhan naman ni Pangulong Ferdinand Marcos ang MMDA at mga LGU na bigyan ng sapat na panahon ang mga guma­gamit ng e-vehicles bago sila patawan ng parusa.

Show comments