^

Metro

203K seniors sa Maynila, tatanggap ng dobleng cash aid

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
203K seniors sa Maynila, tatanggap ng dobleng cash aid

MANILA, Philippines — Simula sa susunod na taon, doble na ang cash aid na matatanggap ng may 203,000 senior citizens ng Maynila mula sa pamahalaang lungsod.

Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna sa talumpati sa Elderly Month celebration sa Pa­lacio del Gobernador, ang monthly cash allowance ng mga seniors, na P500, ay magiging P1,000 na, pagsapit ng Enero 2025.

Sinabi ng alkalde na layunin nitong madagdagan ang financial capa­city ng mga matatanda na makabili ng kanilang kailangan tulad ng medisina at iba pa.

Ani Lacuna, base sa plano, ang mga senior citizens ng lungsod ay tatanggap na ng P3,000 kada tatlong buwan o kada quarter.

Inatasan din niya si Vice Mayor Yul Servo, na naroroon din sa naturang pagtitipon, na agad asikasuhin ang ordinansa na siyang magbibigay ng kapangyarihan sa pagpapatupad ng nasabing cash aid increase.

Ang probisyon para sa allowance ng mga senior citizens ay naging epektibo sa pagpasa ng social amelioration program (SAP) ordinance ng Manila City Council, sa pamamagitan ng pagtitimon ni Lacuna na dating vice mayor at concurrent Presiding Officer ng Manila City Council.

SENIOR CITIZENS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with