MANILA, Philippines — Pormal nang nailunsad ng Quezon City local government ang “Tanggal Bara, Iwas Baha” Program na nag-uugnay sa 142 barangays sa lungsod upang magkatulungang mapigilan ang pagbaha sa lungsod at national governments ngayong panahon ng tag-ulan.
Sa ilalim ng programa, inatasan ni Mayor Joy Belmonte ang mga barangay na unahin ang paglilinis ng mga clogged drainage systems, sewers at street inlets, manholes, at interceptors para iwas baha sa kanilang mga lugar.
“The city government cannot do it alone, we need all the help of our communities led by our barangay councils to mitigate rainwater overflow and flooding in our streets. This can be achieved through regular maintenance of drainage systems in their respective jurisdictions,” sabi ni Mayor Belmonte.
Partikular na inatasan ni Belmonte ang mga flood-prone barangays tulad ng Del Monte, Masambong, Bagong Silangan, Doña Imelda, Roxas, Tatalon, at Apolonio Samson na lubhnag dumanas ng matinding pagbaha noong panahon ng bagyong Carina na pinalakas ng Habagat kamakailan.
Sa pamamagitan ng “Tanggal Bara, Iwas Baha” program ay inaasahang agad na mawawala ang volume ng tubig baha kapag may bagyo at malakas ang ulan.
Kasama sa programang ito ang QC Department of Engineering (QCDE), Barangay and Community Relations Department (BCRD), Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) at Department of Sanitation and Cleanup Works of Quezon City (DSQC).
Sa ulat ng QC Engineering Department, mula January hanggang September 2024, nagkaroon na ang lokal na pamahalaan ng 647 de-clogging operations. Dito napuno ng nakolektang sludge ang 50 garbage trucks.