Babaeng ‘fixer’ sa LTO, LTFRB tiklo sa entrapment

Nakumpiska sa suspek na si Desire Dagui­nod, residente ng Pandi, Bulacan ang P500 bill, medical certificate at iba pang dokumento na ginagamit ng suspek sa modus sa mga parokyano na nais mapadali ang proseso ng driver’s license at renewal ng mga iparerehistrong sasakyan.

MANILA, Philippines — Isang 40-anyos na babae na sinasabing “fixer” ang inaresto ng pinagsanib na puwersa ng intelligence agents ng Land Transportation Office (LTO) at mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isinagawang entrapment operation sa likod ng bakuran ng LTO sa kahabaan ng Magalang Street sa Barangay Pinyahan Quezon City.

Nakumpiska sa suspek na si Desire Dagui­nod, residente ng Pandi, Bulacan ang P500 bill, medical certificate at iba pang dokumento na ginagamit ng suspek sa modus sa mga parokyano na nais mapadali ang proseso ng driver’s license at renewal ng mga iparerehistrong sasakyan.

Naglalakad rin umano si Daguinod ng mga papel sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kapalit ng kaukulang bayad.

Nakatakas naman ang kasabwat nito sa modus na kinilalang si Gerlo Gomez, 35-anyos.

Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza na ang pagkakahuli sa suspek ay bunsod na rin ng reklamo sa tanggapan hinggil sa naglipanang fixers sa LTO na nag-aalok ng mabilis na proseso ng mga papel sa LTO at LTFRB.

“This person was facilitating instant issuance and processing of driver’s license without undergoing proper procedures in-exchange for an excessive amount of fee,” sabi ni Mendoza.

Kakasuhan ang nadakip na suspek ng paglabag sa R.A.11032 o “Anti-Red Tape Act of 2007” samantalang ang kasama nito ay kakasuhan ng paglabag sa R.A. 11032 “Anti-Red Tape Act of 2007”, Article 210 (Direct Bribery) at Sec 6 ng RA 10175 Anti-CyberCrime Prevention Act of 2012 ng Revised Penal Code.

Show comments