^

Metro

Gusali nasunog sa Maynila, kahera patay! 

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Gusali nasunog sa Maynila, kahera patay! 
Hindi muna pinangalanan ang biktima na sinasabing stay-in employee ng eatery na nasa ground floor ng five-storey JMT Building na matatagpuan sa G. Tuazon Street in Sampaloc.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang 50-anyos na kahera ng isang kainan ang nasawi sa sunog na tumupok sa isang commercial building sa Sampaloc, Maynila, Martes ng madaling araw.

Hindi muna pinangalanan ang biktima na sinasabing stay-in employee ng eatery na nasa ground floor ng five-storey JMT Building na matatagpuan sa G. Tuazon Street in Sampaloc.

Hindi na nakalabas ang biktima at tuluyang na-suffocate sa makapal na usok, mula sa nagliliyab na gusali na dahilan ng kaniyang agarang kamatayan.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsi­mula ang sunog alas-3:40 ng madaling araw at naapula pagsapit ng alas-4:12 ng madaling araw kahapon.

Bahagyang napinsala ang ikalawang palapag ng gusali at hindi na umabot pa sa mga kasunod na palapag.

Patuloy pang iniimbestigahan kung ano ang sanhi ng apoy .

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with