^

Metro

Supervisor, kinatay ng katrabaho

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang supervisor ng kanyang katrabaho, kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Nakuhanan ng CCTV ang biktima na pasakay na ng kanyang motorsiklo nang salubungin at harangin ng suspek at kapatid nito.

Ayon kay PCapt. Nelson Dizon, assistant chief ng Investigation and Detective Management Section ng Caloocan Police, paalis na ng opisina sa Llano Road, Caloocan City ang biktima nang mangyari ang insidente.

Unang hinarang ang biktima ng kapatid ng suspek hanggang dito na inundayan mismo ng saksak ang kanyang supervisor.

Sinasabing may nadiskubre umano ang biktima na ikinagalit ng suspek.

Nagtamo ng nasa 10 saksak sa iba’t ibang katawan ang biktima.

Alitan sa trabaho ang pinag-ugatan umano ng pananak­sak.

Patuloy ang pagtugis ng pulisya sa suspek at sa kapatid nito.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with