^

Metro

Mister naatrasan ng kotse, tigok sa bangketa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay na ang isang mister nang madiskubreng nakahandusay sa bangketa matapos na umano’y maatrasan ng isang sasakyan habang naglalakad sa Sampaloc, Manila kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay nakilalang si alyas “Angelito”, tinatayang nasa 55-60 taong gulang, at residente ng Don Quijote St., sa Sampaloc, Maynila habang ang nakabanggang suspek ay kinilalang si alyas “Rafael” ng Florentino St., sa Sampaloc.

Batay sa initial report ng Investigation Section ng Sampaloc Police Station (PS-4) ng Manila Police District (MPD), dakong alas-6:40 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa bangketa sa tapat mismo ng gate ng tahanan ng suspek.

Naglalakad umano sa lugar ang testigong si Danilo Soriano, barangay kagawad ng Brgy. 478, nang makita ang bangkay kaya’t kaagad na ini-report sa mga awtoridad.

Kaagad namang nagsagawa ng backtracking ang mga barangay officials sa lugar, at natukoy sa CCTV footage na naatrasan umano ng suspek ang biktima, habang minamaneho ang kanyang kulay itim na ­kotse, na nagresulta sa kamata­yan nito, dakong alas-5:07 ng madaling araw.

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with