MANILA, Philippines — Suspendido ang number coding scheme sa loob ng apat na magkakasunod na araw o long weekend simula sa Biyernes (Agosto 23) hanggang sa Lunes (Agosto 26).
Ito’y ang inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sinabi ng MMDA noong Martes na idineklara ng Malakanyang na ang paggunita ng Ninoy Aquino Day ay sa Agosto 23 sa halip na Agosto 21, bilang isang espesyal na araw na walang pasok,at ang Agosto 26 na National Heroe’s day, isang regular holiday.
Ayon sa Malakanyang ay para ma-enjoy ng mga motorista ang mahabang weekend, at mai-promote ang turismo sa bansa.