^

Metro

Babae patay sa pamamaril ng lasing na sekyu

Ludy Bermundo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 29-anyos na babae nang barilin ng dalawang ulit ng di umano’y lasing na security guard sa tapat ng Posadas Village¸sa Muntinlupa City, Huwebes ng madaling araw.

Ayon sa ulat ng National Capital Region Police Office, isang alyas “Myrna” ang binaril at nasawi.

Mabilis namang naaresto ang suspek na si alyas “Nilo, 39, security guard ng Posadas Village.

Dakong alas-3:30 ng madaling araw nang maganap ang pamamaril sa tapat ng nasabing village.

Sinasabi sa ulat na lasing ang suspek nang gawin ang pamamaril at nasaksihan ito ng kasamahang si alyas “Michael”, security guard na naka-duty sa main gate ng village.

Inireport ni Michael ang insidente sa kanilang officer-in-charge.

Sinabi sa pulisya ni Michael na dumating ang suspek na lasing na la­sing at nagpakita ng ka­gaspangan ng ugali bago ang pamamaril.

Kasunod nito, hinugot ang baril nang wala namang dahilan at ipinutok sa biktima.

Alas-5:14 nang maaresto ang suspek at kinumpiska dito ang kalibre .38 na baril na may kargang 3 bala, at nare­kober din ang 2 basyo ng bala.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa krimen.

vuukle comment

MUNTINLUPA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with