OFW Lounge sa NAIA 3, binuksan na

MANILA, Philippines — Sa direktiba ng ating Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at sa pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya gaya ng Overseas Workers Welfare Admi­nistration (OWWA), Department of Migrant Workers (DMW), Department of Transportation (DOTr), Manila International Airport Authority (MIAA), at New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC), isang makasaysayang araw ang naganap kahapon nang kanilang pinasinayaan ang OFW Lounge sa NAIA Terminal 3.

Ang OFW Lounge sa Terminal 3 ay kumpleto sa mga pasilidad tulad ng charging stations, libreng pagkain, at mga resting areas para sa mas komportableng paghihintay ng ating mga OFWs bago ang kanilang mga flights.

Kasama sa nasabing grand launching sina OWWA Administrator Arnell Ignacio, DMW Secretary Hans Cacdac, President and CEO of New NAIA Infrastructure Corporation Ramon Ang, OFW Party-list Rep. Marissa Magsino, Kabayan Party-list Rep. Ron Salo, MIAA General Manager Eric Castro, at DOTr Secretary Jaime Bautista.

Show comments