Bahay ni-raid sa Taguig: Mag-utol tiklo sa droga, boga

MANILA, Philippines — Arestado ang magkapatid na lalaki matapos silang masamsaman ng illegal na droga at baril sa isinagawang raid ng pulisya sa kanilang bahay sa Taguig City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, dinakip ng intelligence operatives ng Taguig CPS ang magkapatid na sina alyas “John”, 18-anyos; at alyas “Daryl”, 19-anyos, sa pamamagitan ng isinilbing search warrant sa kanilang bahay sa sa Bagong Silang St., Brgy. Tuktukan, Taguig City, kung saan nasamsam ang droga at baril, dakong alas-7:00 ng gabi.

Ang Search Warrant No. 2022-044 na inisyu ni Vice Executive Judge Bernard Pineda Bernal, ng Regional Trial Court Branch 70, Taguig City ang ginamit sa pagsalakay sa bahay ng mga suspek.

Nakumpiska ng mga operatiba ang nasa 22 gramo ng shabu na may street value na ?149,600, kasama ang isang .38 caliber revolver (Smith at Wesson) na kargado ng anim na bala.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 11 ng RA 9165 at RA 10591 (Illegal Possession of Firearm and Ammunition).

Show comments