^

Metro

P5.1 milyong illegal vape products samsam sa raid

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang establis­yemento ang sinalakay ng magkasanib na pwer­sa ng Southern Police District-Special Operations Unit (SPD-SOU) at ang Department of Trade and Industry-Fair Trade Enforcement Bureau (DTI-FTEB) na nasamsaman ng mahigit P5-milyong halaga ng iligal na vape products, nitong Martes, sa Pasay City.

Sa ulat, dakong alas- 8:00 ng gabi ng Hulyo 16, 2024 nang isagawa ang raid sa isang tindahan sa J. Silva corner Aurora St., habang isa pang establisimyento ang sinalakay rin sa Barangay 102, Pasay City

Ang joint operation ay resulta ng malawakang case build-up at surveillance ng DTI-FTEB at DSOU-SPD.

Sa operasyon, nagsagawa ng inventory ang DTI-FTEB at nakumpis­ka ang 9,359 piraso ng iba’t ibang flavor/variant ng Flava vape products bilang ebidensya na may kabuuang tinatayang market value na ?5,147,450.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 11900, Section 9, o pagbebenta ng vape products, at Department Administrative Order No. 22-16, Series of 2022, Rule 6, Section 1(j), ang mga nagmamay-ari ng mga nasamsam na illegal vape products.

SOUTHERN POLICE DISTRICT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with