Contractor tiklo sa P.2 milyong shabu, baril 

Sa ulat ng Taguig City Police-station Drug Enforcement Unit, nadakip si alyas “Joy”, lalaki, 47 anyos, residente ng Taguig.
STAR/File

MANILA, Philippines — Arestado ang isang contractor ng construction projects sa isinagawang buy-bust operation matapos masamsaman ng higit P200,000 na halaga ng iligal na droga, sa Taguig City, Martes ng madaling araw.

Sa ulat ng Taguig City Police-station Drug Enforcement Unit, nadakip si alyas “Joy”, lalaki, 47 anyos, residente ng Taguig.

Dakong alas-4:45 ng madaling araw ng Hulyo 16 nang isagawa ang buy-bust sa Barangay Central, Bicutan.

Narekober sa suspek ang boodle money at genuine marked money na ginamit sa operasyon,­ 31.6 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P214,880, at isang caliber .45 Armscor pistol na may limang bala.

Nakatakdang isaila­lim sa inquerst proceedings ang suspek sa paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition).

Show comments