^

Metro

Sales manager pumailalim sa trailer truck, pisak

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang sales manager na lulan ng motorsiklo matapos na pumailalim sa trailer truck at magulungan habang bumabagtas sa Roxas Boulevard-Buendia Flyover, sa bahagi ng Pasay City, Miyerkules ng gabi.

Dead-on-the-spot ang biktimang si alyas “Darryl”, 46-anyos, residente ng Karuhatan, Valenzuela City, batay sa ibinigay na impormasyon ng mga kasamahan sa trabaho sa Mitsubishi Motors Corp., sa Edsa Branch.

Pinipigil naman sa tanggapan ng Pasay Traffic Enforcement Unit ang driver ng Izusu trailer truck na si alyas “Salvador” , 38-anyos, residente ng Nabotas City.

Sa ulat ng Vehicular Traffic Investigation Section, dakong alas-8:00 ng gabi ng Hulyo 10, 2024 nang maganap ang insidente sa nasabing flyover. Habang parehong bumabagtas sa northbound ang trailer truck at Kymco motorcycle na nasa kaliwang bahagi nang magkasagian sanhi upang matumba ang motorsiklo at pumailalim ang biktima.

Nagpreno naman agad ang driver ng trailer truck nang makarinig ng sigaw na may tao sa ilalim at nang alamin ay nakitang nakapatong pa ang gulong sa mukha ng biktima.

Sa pagresponde ng mga awtoridad, idineklarang dead-on-the-spot ang biktima.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with