^

Metro

QCPD, handa na sa ikatlong SONA ni Pangulong Marcos

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
QCPD, handa na sa ikatlong SONA ni Pangulong Marcos
Police officers stand in formation as part of the inspection of personnel at the Quezon City Police District headquarters at Camp Karingal on July 19 2022.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Quezon City Police District (QCPD) Director PBGen. Redrico Maranan na 100% na silang handa sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Hulyo 22.

Ang paniniyak ay ginawa ni Maranan, kasabay ng kanyang inspeksiyon sa mga kagamitan ng mga pulis, patrol cars, mga ambulance, fire trucks at drone kahapon sa Camp Karingal.

Ayon kay Maranan, magkakaroon din sila ng dayalogo sa mga magra-rally sa susunod na linggo upang masiguro  na maayos ang  kanilang protesta sa designated area. 

Sa ngayon aniya, wala pang kumukuha ng permit sa Quezon City LGU dahil ito ang magtatalaga kung saang lugar ang mga raliyista.

Nasa higit 6,000 pulis pa rin ang kanilang itatalaga sa labas ng Batasan Complex at sa ilang kalsada. Ang Sgt. at Arms ng Kamara at Presidential Security Group (PSG) ang magpapatupad ng mga security measures sa loob ng Kongreso.

Paalala pa ni Maranan sa mga raliyista, huwag gumamit ng mga t-shirt o placard na libelous upang maiwasan ang gulo gayundin ang pagsusunog ng effigy na mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng BP880.

vuukle comment

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with