MANILA, Philippines — Umaabot sa 251 Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa Quezon City Jail Female Dormitory ang sumailalim sa non-communicable disease risk assessment and medical check-up kahapon.
Ito ay bilang pagbibigay halaga sa mga bilanggo na maingatan ang kalusugan at matugunan ang iba’t ibang uri ng sakit na posibleng maranasan ng mga PDLs.
Ang mga preso ay tumanggap ng libreng konsultasyon, blood sugar testing, medical check-up, pneumococcal vaccines, at maging ang mga libreng gamot.
Katuwang sa aktibidad ang mga tauhan mula sa Quezon City Health Department na layong mailayo sa panganib na magkasakit ang mga Pdls.
Pinasalamatan naman ni Jail Insp. Lourvina Abrazado ng city jail warden ang QC LGU sa pamumuno ni City Mayor Joy Belmonte sa pagbibigay ng medical services sa mga bilanggo.