MANILA, Philippines — Sa pagsasagawa ng ika-21 Warrant Day operations ng Southern Police District (SPD), nadakip ang 68 katao ang naaresro, sa mga lungsod ng Pasay, Muntinlupa, Parañaque, Makati, Taguig, Las Piñas, at Pateros.
Para sa kategoryang Top Most Wanted Persons, 2 ang naaresto ng Pasay City Police Station sa 2 magkahiwalay na operasyon; 3 ang nadakip ng Muntinlupa CPS; at 2 naman ang sa Parañaque CPS; at District Traffic Unit/District Anti-Carnapping (DTU/DACU) ay isa ang naaresto.
Para sa Most Wanted Persons (MWPs), isa ang nadakip ng Makati Police; Taguig Police, 3 MWPs; Pateros Police, 1; Pasay Police, 6; Muntinlupa Police, 8; Las Piñas Police, 10; Parañaque Police, 3; at DTU/DACU, 1, at naaresto ang isa pang indibidwal.
Sa kategoryang Other Wanted Persons, ang Makati CPS ay may 3 naiulat na naaresto; 4 ang Taguig CPS; isa ang Pateros MPS; 5 ang Pasay; 4 ang Muntinlupa CPS; 4 ang Las Piñas CPS; 6 ang Paranaque; at isa ang sa District Mobile Force Battalion (DMFB).
“This achievement reflects our unwavering commitment to uphold the law and ensure the safety of our communities,” ani SPD Director P/Brig. General Leon Victor Rosete.