MANILA, Philippines — Kinumpirma ni San Juan City Mayor Francis Zamora na pormal nang nagsampa ng kaso ang isang Lalamove rider na na-harassed umano sa pagdiriwang ng ‘Wattah! Wattah Festival! sa lungsod nitong Lunes.
Personal na sinamahan kahapon ni Zamora sa Office of the City Prosecutor, Hall of Justice ang rider na si Eustaquio Rapal upang maghain ng kasong unjust vexation, slander at maliscious mischief laban sa isang indibidwal na nang-harassed sa kanya sa Wattah! Wattah Festival! na bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan ni St. John the Baptist.
Bagama’t alam niyang ang pagdiriwang, pinuntirya siyang basain at nang siya ay nanlaban, pinagbabatukan pa siya.
Humingi naman ng paumanhin si Zamora sa naging asal ng iilang mga residente na nambasa.
Tiniyak pa ni Zamora na hindi na mauulit ang insidente at hindi nila kukunsintihin ang ganitong mga pangyayari.
Hinikayat rin niya ang mga taong nais na magsampa ng kaso na magtungo lamang sa kanilang tanggapan at tiniyak na tutulungan nila ang mga ito.
Babala pa ni Zamora, iisa-isahin nila ang mga larawan at video upang matukoy ang mga dapat na managot sa insidente.
Nabatid na sa ilalim ng Revised Penal Code, ang mga violators ay maaaring sampahan ng mga kasong direct assault, less serious physical injuries, light threats, light coercions, unjust vexation, slander at iba pa, na may malaking parusa.