Lalaki may hinahabol na kaalitan, todas sa pulis!

Naisugod pa sa ‘di tinukoy na pagamutan ang suspek na si Jonathan Marcial, 33, ng General Trias, Cavite ngunit idineklara na ring patay ng mga doktor, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang armadong lalaki na may tinutugis na kaa­litan, nang barilin ng rumes­pondeng pulis na tinangka niya ring barilin sa Tondo, Manila ka­makalawa ng gabi.

Naisugod pa sa ‘di tinukoy na pagamutan ang suspek na si Jonathan Marcial, 33, ng General Trias, Cavite ngunit idineklara na ring patay ng mga doktor, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, isinasailalim na sa imbestigasyon ang pulis na si PCPL Jonenick Gueta, 33, at nakatalaga sa Police Station 12 ng Manila Police District (MPD).

Sa pagsisiyasat ng Homicide Section ng MPD, alas-6:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa 2nd Floor Hallway ng Building 25, ng Permanent Housing sa Tondo.

Lumalabas na hinahabol umano ng suspek ang isang alyas ‘Jody’ sa naturang lugar. Nakarating naman sa kaalaman ng pulis, na residente ng lugar, ang pangyayari kaya’t mabilis na rumesponde.

Agad umanong nagpakilala si Gueta bilang pulis sa armadong suspek. Gayunman, sa halip na sumuko ay itinutok pa umano ng suspek ang baril sa pulis.

Dito na napilitan ang pulis na barilin ang suspek upang depensahan ang kanyang sarili. 

Show comments