MANILA, Philippines — Nananatiling nasa 24-milyong sasakyan ang hindi pa nakarehistro sa Land Transportation Office (LTO) sa buong bansa.
Bunga nito, pinayuhan ni LTO Vigor Mendoza ang mga may-ari ng mga sasakyan na hindi pa nakarehistro na dalhin sa ahensiya at iparehistro ang sasakyan kung ayaw magbayad ng penalty o ma-impound ang kanilang sasakyan.
Tiniyak naman ni Mendoza na bilang na ang araw ng mga unregistered vehicles dahil sa pinaigting na kampanya laban sa naturang mga sasakyan kaugnay ng NO Registration NO Travel Policy ng ahensiya.
Nitong nagdaang 15 araw lamang ngayong Hunyo, nakahuli ang LTO ng higit 6,000 unregistred vehicles.Sa naturang bilang, 5,127 ay mga motorsiklo , 34 ay pampasaherogn jeep at 7 ay pampasaherong bus.
Bukod sa mataas na multa, ang mga unregistered vehicle na mahuhuli ay i-impound ng LTO.