Ina hinataw ng pala ng anak, patay

MANILA, Philippines — Nawasak ang ulo ng isang ina makaraang hatawin ito ng pala ng sariling anak habang natutulog, kamakalawa ng gabi sa Purok 3 Brgy Sampalok 1 Sariaya, Quezon.

Dead-on-arrival sa pagamutan ang biktima na kinilalang si Mercy Million, 49, biyuda.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-10:15 ng gabi ng maganap ang pangyayari, habang mahimbing na natutulog ang biktima ng walang sabi-sabing hinataw ng pala sa ulo ng anak na si alyas Jay R, nasa hustong gulang.

Hindi na nagising pa ang biktima at halos mahati ang ulo nito sa tindi ng pinsalang tinamo.

Naitakbo pa ito sa pagamutan subalit idinekla­rang dead-on-arrival na.

Show comments