^

Metro

Pinoy abroad, pwede na mag-renew ng lisensya online

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pinoy abroad, pwede na mag-renew ng lisensya online
Ito ay makaraang ilunsad ng Land Transportation Office (LTO) at Department of Migrant Workers (DMW) ang programa na magpa-facilitate sa renewal ng driver’s license para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na nakatira o nagtatrabaho sa ibang bansa.
Philstar.com / Irish Lising

MANILA, Philippines —  Maaari nang mag-renew ng kanilang dri­ver’s license sa online ang mga Pinoy na nasa abroad.

Ito ay makaraang ilunsad ng Land Transportation Office (LTO) at Department of Migrant Workers (DMW) ang programa na magpa-facilitate sa renewal ng driver’s license para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na nakatira o nagtatrabaho sa ibang bansa.

Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza, ang programa na “Pinabilis sa Bagong Bayani ang Magkalisensya” (LTO PBBM Project) ay layong mapabilis ang proseso para sa online renewal ng driver’s license ng mga OFWs.

Aniya, ang LTO PBBM Project ay resulta ng pag-uusap sa pagitan ni Dept. of Transportation (DOTr) Secretary Jaime J. Bautista at Dept. of Migrant Workers (DMW) Sec. Hans Leo Cacdac.

Sinabi ni Mendoza na hindi na kailangan gumastos at umuwi ng Pilipinas ang mga Pinoy abroad para mag-renew ng driver’s license sa Pilipinas dahil maaari nang isagawa ang transaksyon ng pagre-renew ng lisensya sa pamamagitan ng online application.

“This is also aimed at aligning with global trends in e-governance and modernizing government services by offering online license renewal, reflecting a commitment to digital transformation,” sabi pa ni Mendoza.

Pinasalamatan naman ni Cacdac ang DOTr at LTO sa paghahanap ng paraan na mabigyan ng mas mabilis na serbisyo ang mga Filipino migrant workers.

DMW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with