Online services ng PNP suspendido sa ‘data breach’

PNP spokesperson Col. Jean Fajardo
PNA photo by Lloyd Caliwan

MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na pansamantalang naka-shutdown ang ilan sa kanilang mga pangunahing online services.

Kabilang sa mga online services na suspendido ay ang Firearms and Explosives Office (FEO), Directorate for Logistics Data Management System, National Police Clearance system, at ilan pang tanggapan ng PNP.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, ang shutdown ay mananatili hangga’t hindi nasisiguro ang seguridad ng computer data ng PNP.

Sa ngayon aniya, ­nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon kung nagkaroon ng “data breach” sa FEO at Logistics Data ­Ma­nagement Office.

Gayunman, ang mga serbisyo ng mga apektadong tanggapan ay “available” pa rin sa mga Regional Office ng PNP at sa Camp Crame habang isinasagawa ang assessment at pagpapatupad ng mga cyber security upgrade.

Tiniyak ni Fajardo na maibabalik sa loob ng isang linggo ang mga apektadong online services ng PNP. Kailangan lamang aniya na masi­guro na walang mga data o virus na nakapasok sa kanilang system.

Show comments