Mayor Joy: Quezon City Hall employees, ban sa Solaire-North casino

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan na bawal silang pumasok at magsugal sa bubuksang Solaire Resort North casino na ipinatatayo ng Philippines-listed Bloomberry Resorts Corp. sa North EDSA Quezon City

Nakipag-ugnayan na si Belmonte sa Bloom­berry na gumawa ng databank of photographs ng lahat ng city government personnel”para maipatupad ang ban.

Saklaw ng kautusan ni Belmonte ang 19,000 employees ng QC Hall.

Ayon kay Belmonte, ang electronic device na ilalagay sa entrada ng Solaire Resort North ay makatutulong para matukoy ang mga city government officials o empleyado na pumasok dito.

“Even if one wears a wig, a mask or a hat, one’s face can still be detected using a very sophisticated system,” pahayag ni Belmonte.

Una nang kinumpirma ng Bloomberry na magbubukas ang Solaire Resort North sa Mayo 25 ngayong taon.

Show comments