^

Metro

Empleyado todas sa ambush

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang empleyado ng water station makaraang pagbabarilin ng ‘di nakilalang suspek habang ang biktima ay sakay ng kaniyang L300 Van at bumabagtas sa Brgy. Saimsim, Calamba City, Laguna.

Dead-on-the-spot sa loob ng kaniyang sasak­yan ang biktimang kinilalang si Elmer Sena, nasa hustong gulang at empleyado ng Pyton Spring Product, isang water station.

Sa ulat ng pulisya, alas-2:30 ng hapon nang maganap ang insidente habang minamaneho ng biktima ang kaniyang puting Mitsubishi L300 na may plakang NGK 5827 at bumabagtas sa nasabing lugar galing sa pinagtatrabahuan nitong water station.

Palabas na umano ng main road ang biktima nang harangin ng armadong suspek at sunud-sunod na pinagbabaril saka mabilis na tumakas ang huli sakay ng Yamaha Nmax na kulay itim.

Wala pang malinaw na motibo sa naganap na krimen.

vuukle comment

L300

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with