^

Metro

Suspensyon ng klase sa Manila, pinalawig hanggang Abril 26

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Suspensyon ng klase sa Manila, pinalawig hanggang Abril 26
Students line up to enter Araullo High School in Manila on January 15, 2024.
STAR/ Edd Gumban

MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na nararanasang matinding init ng panahon, pinalawig ni Manila City Mayor Honey Lacuna-Pangan ang suspensiyon ng face-to-face (F2F) classes (F2F) sa lungsod hanggang sa Abril 26.

Bukod sa unang direktiba ni Lacuna na suspension ng klase kahapon sa pumpubliko at pribadong paaralan sa lungsod, suspendido na rin ang F2F classes ngayong araw hanggang Biyernes.

Kasunod na rin ito nang anunsiyo ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) na muling makakaranas ng hanggang 44°C na danger heat index level ang lungsod sa mga nasabing araw.

Ayon kay Lacuna, sakop ng bagong kautusan ang lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan sa Maynila.

“BREAKING: Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan declares suspension of face-to-face clas­ses for public and private schools in all levels for Thursday and Friday, April 25 and 26, 2024. This is due to the forecasted danger heat index level of 44°C according to the Manila Disaster Risk Reduction Management Office,” bahagi ng direktiba ni Lacuna, na isinapubliko ng Manila Public Information Office (PIO), na pinamumunuan ni Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Lacuna, at ipinaskil sa social media.

Pinayuhan din ni Lacuna ang mga paaralan na magdaos na lamang muna ng asynchronous classes sa mga nasabing araw.

“Schools are advised to shift to asynchronous classes,” dagdag pa nito.

MANILA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with