^

Metro

Libreng breast cancer testing sa QC pinalakpakan

James Relativo - Philstar.com
Libreng breast cancer testing sa QC pinalakpakan
Makikita sa larawan ang isinagawang libreng breast cancer screening ng Quezon City local government unit nitong Marso, Buwan ng mga Kababaihan.
Released/Quezon City Health Department

MANILA, Philippines — Pinuri ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagsusumikap ng Quezon City Health Department na maghandog ng libreng breast cancer screening sa libu-libong residente noong nakaraang Women's Month.

Marso lang kasi nang i-screen ang nasa 22,476 kababaihan mula sa anim na distrito ng lungsod. Sa bilang na 'yan, 146 ang nagpositibo para sa breast mass. 

"Based on a study released by the Philippine Statistics Authority (PSA), cancer has been the country's second-leading cause of death in recent years, particularly lung, liver, breast, colorectal, and prostate cancers," wika ng CHR sa isang pahayag, Biyernes.

"Given these statistics, programs such as free breast cancer screenings are critical steps toward addressing this health-related issue."

Walong residente na ang ini-refer ng QC Health Department sa East Avenue Medical Center para sa surgery at gamutan habang 133 naman ang kasalukuyang sumaasailalim sa mammogramsa QC General Hospital.

Sa ilalim ng Article XIII, Section 11 ng 1987 Constitution, sinasabi ang sumusunod patungkol sa serbisyong panlipunan:

State shall adopt an integrated and comprehensive approach to health development which shall endeavor to make essential goods, health, and other social services available to all the people at affordable cost. There shall be priority for the needs of the underprivileged, sick, elderly, disabled, women, and children.

"The Commission believes that early detection is one of the key factors in improving breast cancer outcomes in the country," dagdag pa ng komisyon.

"By providing free breast cancer screening, the state respects everyone's right to early detection and timely treatment, particularly women who are more vulnerable to the disease, regardless of their financial situation."

Kaugnay nito, hinikayat ng CHR ang gobyerno, pribadong sektor at civil society organizations na mamuhunan sa pagbibigay ng libreng medical screening upang maagang maagapan ang mga delikadong sakit.

Una nang sinabi ng PSA na sakit sa puso ang pinakanakamamatay na sakit sa Pilipinas noong 2023. Pangalawa rito ang cancer.

"Cancer ang isa sa mga sakit na mataas ang mortality rate sa Quezon City. Madali lang itong matugunan kung maaagapan at mabibigyan agad ng atensyon para hindi na lumala pa," sabi ni QC Mayor Joy Belmonte noong isang linggo.

"Batid natin na kakulangan sa panggastos ang problema ng mga mamamayan kaya nagkakaroon ng pagdadalawang-isip sa pagpapa-check up at pagpapakonsulta. Kaya tinitiyak ko na nakaagapay ang lokal na pamahalaan sa kanila hanggang sa kanilang paggaling sa sakit." 

--

Disclosure: Si Quezon City Mayor Joy Belmonte ay shareholder ng Philstar Global Corp., na nagpapatakbo ng digital news outlet Pilipino Star Ngayon. Ang artikulong ito ay nilathala batay sa editorial guidelines.

BREAST CANCER

COMMISSION ON HUMAN RIGHTS

JOY BELMONTE

QUEZON CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->