^

Metro

600 preso pinigsa sa init ng panahon – BJMP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
600 preso pinigsa sa init ng panahon – BJMP
Persons deprived of liberty make do with a small electric fan at the Quezon City Police District Station 10 custodial facility on April 3, 2024
PNA photo by Joan Bondoc

MANILA, Philippines — Iniulat ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na umaabot sa 600 person deprived of liberty (PDLs) mula sa iba’t ibang jail facility sa Metro Manila ang nagkapigsa dahil sa matinding init ng panahon.

Kaya naman inihahanda na ng BJMP ang mga hakbang para maiwasan ang pagkalat ng mga summer disease sa mga jail facility.

Ayon kay BJMP chief, Jail Director Ruel Rivera, kabilang sa mga hakbang na ito ang paglalagay ng karag­dagang ventilation system sa loob ng mga jail facility.

Sinabi ni Rivera na inatasan niya ang mga regional director ng BJMP na makipag-ugnayan sa mga water concessionaries upang matiyak na sapat ang supply ng tubig. Kaila­ngan aniyang makaligo ng dalawang beses sa isang araw ang bawat PDL.

Ang mga pigsa at jail rash o “rumbo-rumbo” ay ang dalawang karaniwang alalahanin sa kalusugan sa mga kulungan, lalo na sa panahon ng tag-init.

Sinabi naman ni BJMP spokesperson Chief Insp. Jayrex Busti­nera na hindi nila inaasahan ang mas mataas na bilang ng mga kaso ng pigsa ngayong taon, dahil mas maraming mga kulungan ang na-decongested.

Aniya, nakapagtala ang bureau ng 4,545 kaso ng pigsa sa mga preso mula Marso hanggang Mayo noong nakaraang taon.

Dagdag niya, ang BJMP ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa Department of Health (DOH) at mga local government units para matiyak ang kalusugan ng mga PDL.

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with