^

Metro

Holy Week sa Metro Manila, generally peaceful – NCRPO

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Holy Week sa Metro Manila, generally peaceful – NCRPO
Children dressed as angels welcome devotees arriving with the images of the Risen Christ and the Virgin Mother Mary during the traditional Salubong procession at the San Vicente de Paul Parish Church in Ermita, Manila on Easter Sunday March 31, 2024.
Miguel De Guzman/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Iniulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na naging mapayapa sa pangkalahatan ang katatapos na paggunita ng Semana Santa sa Kalakhang Maynila.

Ayon kay NCRPO director, Maj. Gen. Jose Nartatez Jr., walang naitalang anumang ‘untoward incidents’ sa kabuuang Holy Week sa Metro Manila.

Aniya, bunga ito ng kanilang ginawang pag­hahanda at sa inilatag na heightened security measures.

Binigyan diin ni Nartatez na agad silang gumawa ng assessment sa seguridad, publiko at lugar kaya naging matagumpay at payapa ang  pagdaraos ng  Holy Week.

Nabatid kay Nartatez na bumaba sa 30.42% ang crime rate nitong Holy Week kumpara sa bilang noong nakaraang taon.

Dagdag pa ni Nartatez na ito’y bunga ng pakikipagtulungan ng NCRPO sa mga LGU at private stakeholders upang mapanatili ang kapayapaan.

Nagpakalat ang NCRPO ng 12,407 pulis sa mga pampublikong lugar, kasama na sa 295 simbahan, 90 pangunahing lansangan, 139 transport terminals o hubs, sa 1,092 commercial areas at 82 lugar ng pagtitipon.

HOLY WEEK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with