MANILA, Philippines — Panibagong batch na binubuo ng 500 persons deprived of liberty (PDLs) ang inilipat mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City patungo sa Sablayan Prison at Penal Farm sa Occidental Mindoro, nitong Biyernes.
Kasabay na ibiniyahe pabalik sa SPPF ang isang pasyenteng PDL ang kalalabas pa lamang ng NBP Hospital.
Sa 500 bagong transferee, 400 dito ang nagmula sa Reception and Diagnostic Center (RDC), 49 mula sa maximum society compound, at 52 sa medium security compound, na pawang ligtas namang nakarating sa Sablayan.
Ang RDC ay nagsisilbi rin bilang holding area kung saan ang psychological evaluation at iba pang behavioral assessment ay ginagawa bilang paghahanda sa kanilang reformation treatment program, ani Bureau of Corrections (BuCor) Director Gregorio Pio Catapang Jr.
Kinabibilangan ng tatlong security classification ng mga PDLs sa loob ng operating prison and penal farms (OPPF) ng BuCor ang maximum security compound na may higit sa 20 taon ang sentensiya, ang medium security compound na mas mababa sa 20 ang hatol, at minimum security compound, kung saan nakapiit ang mga malapit nang magtapos ang pagsisilbi sa sentensya.